Pinirmahan ngayon ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang Ordinance Number 8779.
Nakapaloob sa ordinansa ang pagkakaloob ng 500 pesos kada araw na hazard pay para sa mga empleyado at tauhan ng Manila City Hall.
Sakop nito ang panahon na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine ang lungsod noong March 27 hanggang May 14, 2021.
Sa kabuuan ay nasa mahigit 195.9 million pesos ang ipamamahaging hazard pay ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Samantala, bumaba naman ngayon sa 1,123 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan 101 ang bagong nahawaan ng virus.
229 ang naitalang bagong gumaling sa sakit at 2 naman ang nadagdag sa mga nasawi.
Facebook Comments