Naghihintay pa rin ang mga kawani ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa kahilingan nila sa Inter-Agency Task Force (IATF) na mabakunahan na rin sila.
Ayon sa ilang opisyal at empleyado ng MIAA, ilang buwan na silang humiling sa IATF pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong tugon.
Sa ngayon anila, kanya-kanyang magpapalista na lamang sa Local Government Units (LGUs) kung saan nakatira ang mga empleyado ng MIAA para mabakunahan.
Anila, kung tutuusin sila ay kasama rin sa hanay ng frontliners bilang mga manggagawa ng paliparan.
Buti na lamang anila at hindi na rin tumataas ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng MIAA employees.
Facebook Comments