Sumabak sa safety drills ang mga empleyado ng Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag upang paghandaan ang inaasahang dagsa ng mga deboto at turista ngayong Holy Week at sa nalalapit na selebrasyon ng Centennial Canonical Coronation.
Sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at Manaoag Bureau of Fire Protection (BFP), isinailalim sa earthquake drill at safety lecture ang mga kalahok.
Bukod dito, itinuro ang tamang paggamit ng fire extinguisher at mga paraan sa pagpigil ng sunog bilang kampanya ngayong Fire Prevention Month.
Ayon sa MDRRMO, mahalaga ang training upang maprotektahan ang mga deboto at empleyado sa malalaking pagtitipon.
Sa pamamagitan nito, inaasahan na magiging kaagapay ng tanggapan ang mga empleyado sa pagresponde sa mga hindi inaasahang insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










