Anim na empleyado ng munisipyo sa Bayambang ang nasita ng Task Force Disiplina (TFD) matapos mahuling lumabag sa mga batas-trapiko, kabilang ang hindi pagsusuot ng helmet at kawalan ng side mirror sa kanilang mga motorsiklo.
Batay sa ulat ng TFD, inisyuhan ng reprimand letter ang mga lumabag at pinaharap sila sa Grievance Committee kahapon. Inatasan silang magsumite ng written explanation sa loob ng 72 oras, bukod pa sa multa at stern warning na ipinataw laban sa kanila.
Ipinaalala ng pamunuan na bilang mga lingkod-bayan, tungkulin ng mga empleyado na maging huwaran sa pagsunod sa mga batas at regulasyon, lalo na sa kalsada.
Binigyang-diin ng TFD na ang pagsunod sa batas-trapiko ay hindi lamang obligasyon, kundi proteksyon para sa sarili at kaligtasan ng ibang motorista at pedestrian.
Nagbabala rin ang ahensya na sakaling maulit ang mga paglabag, maaaring sampahan ng mas mabigat na disciplinary action ang mga kawani, kabilang ang posibilidad ng pagkakatanggal sa trabaho. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









