Mga empleyado ng Navotas LGU, sumailalim na sa expanded COVID-19 testing

24

Aabot sa tatlong daan at limampung (350) mga kawani ng pamahalaang lungsod ng Navotas ang sumalang sa unang expanded COVID-19 testing.

Kabilang sa unang batch ng mga kawani na sumailalim sa testing ang mga nasa NavoServe Social Services One-Stop Shop.


Agad namang sumailalim sa home-quarantine ang mga empleyado habang hinihintay rin ang resulta ng kanilang test sa loob ng tatlo hanggang apat na araw.

Hanggang July 5, 2020 naman ang schedule ng frontliners at mga empleyado para sa swab test, at pagkatapos nito ay maaari nang buksan ang slots para sa mga residente na nagnanais magpa-test.

Facebook Comments