Mga empleyado ng PhilHealth, nanawagan kay Pangulong Duterte na magtalaga ng ‘caretaker’ sa ahensya

Nanawagan ang mga manggagawa ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng pansamantalang pinuno na mamamahala sa ahensya habang iniimbestigahan ang ilan nilang opisyal dahil sa alegasyon ng korapsyon.

Ayon kay PhilHealth Workers for Hope, Integrity, Transparency at Empowerment (PhilHealth-WHITE) National President Maria Fe Francisco, mahalagang mayroong mamumuno sa kanilang tanggapan na mayroong background sa health insurance at malinis ang record.

Sinabi rin ni Francisco na tutol na sakaling si Health Secretary Francisco Duque III ang mamamahala sa PhilHealth dahil nahaharap din siya sa ilang imbestigasyon.


Masyado na rin aniya nasira ang imahe ng PhilHealth sa publiko kung saan humantong na sila sa puntong hindi na sila nagsusuot ng kanilang uniporme dahil ramdam nilang masama na ang tingin ng tao sa kanila.

Naniniwala si Francisco na ang korapsyon sa PhilHealth ay hindi lamang nagmumula sa ‘mafia’ na isiniwalat ng Anti-Fraud Legal Officer na si Thorsson Montes Keith kung saan aabot sa 15 bilyon pesos ang naibulsa.

Facebook Comments