Isinailalim sa surprise drug test ang lahat ng mga kawani ng Provincial Government ng Maguindanao.
Ang Drug Test ay base na rin sa naging direktiba ni Governor Bai Mariam Sangki- Mangudadatu sa layuning maisiguro na walang niisang empleyado sa kapitolyo ang gumagamit sa illegal na droga.
Itoy bilang pagtalima at pagpapakita ng suporta na rin sa kampanya ng mga otoridad at ni Pangulong Rody Duterte para pagkontra sa ipinagbabawal na droga.
Kanina, lahat ng mga empleyado, mapababae man o lalaki ay sumailalim sa proseso ng drug test. Mariin ring binantayan ang mga palikuran maging ang lahat ng sulok ng Kapitolyo para matiyak na walang makakapandaya sa kanilang drug test.
Kaugnay nito, sa inisyal na resulta, sinsabing dalawang empleyado ang nagpositibo. Dismissal sa trabaho ang kakaharapin ng mga ito .
Patuloy naman ang pagpapaalala ni Governor Bai Mariam na walang puwang sa kanyang administrasyon ang mga nahuhumaling sa droga.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Mga empleyado ng Provincial Capitol ng Maguindanao, isinailalim sa Surprise Drug Test
Facebook Comments