Mga empleyado ng San Juan City Hall at San Juan Medical Center, nakuha na ang kanilang year-end bonus

93

Lubos na ikinatuwa ng mga empleyado ng San Juan City Hall at San Juan Medical Center, makaraang makatanggap ng kanilang year-end bonus kahapon.

Ayon sa Local Government Unit (LGU) ang mga empleyado ng San Juan City Hall at San Juan Medical Center na may permanente, casual at contructual status na nakapagserbisyo ng mahigit na 4 na buwan bago mag October 31 ngayon taon ay makatatanggap ng year-end Bonus na nagsimula pa kahapon.

Habang ang mga empleyado naman na nagretiro na o wala na sa serbisyo bago mag Octobre 31 ngayong taon at nakapagserbisyo ng 4 na buwan serbisyo sa 2021 ay nabigyan ng Pro-Rated na Year End Bonus na ibabase naman sa buwan ng pagtatapos ng kanilang serbisyo.


Ayon sa mga empleyado malaking tulong umano ang naturang Bonus pandagdag sa kanilang pang araw araw na pamumuhay lalo na ngayong nararanasan nating pandemya.

Facebook Comments