Cauayan City, Isabela- Hindi bababa sa 100 empleyado ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago ang sumasailalim sa araw-araw na Antigen test bago pumasok sa kani-kanilang mga trabaho sa City hall.
Ito ang sitwasyon ngayon sa Integrated Terminal Complex kung saan dito ginagawa ang nasabing pagsusuri ng mga empleyado.
Bukod dito, ito rin ang lugar kung saan maaaring sumakay at magbaba ng mga pasahero para sa mga biyahero.
Naging mahigpit man ang LGU Santiago City sa mga ipepresentang mga dokumento sa mga nakalipas na quarantine status ay maluwag na ito ngayon dahil tanging valid ID na lamang ang ipepresinta sa pagbaba sa terminal para magsilbing basehan ng kanilang contact tracing.
Samantala, ibinahagi ng mga drayber ng mga pampublikong transportasyon na matumal pa rin ang kanilang biyahe dahil na rin sa nararanasang pandemya.
Simula bukas, April 1-30 ay sasailalim na sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang lungsod.
Sa ngayon ay hindi bababa sa 100 ang bilang ng aktibong kaso ng Lungsod.