Mga empleyado ng Senado, dalawang linggong naka-bakasyon ngayong holiday season

Dalawang linggong nakabakasyon ang higit 2,000 kawani ng Senado para sa Pasko at Bagong Taon.

Batay sa kautusan ni Senate President Tito Sotto III, hindi kailangang mag-report sa trabaho ng mga opisyal at kawani ng mataas na kapulungan mula ngayong araw hanggang January 6, 2026.

Sa January 7, muling magpapatuloy ang regular na trabaho sa Senado.

Nasa shifting schedule naman ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant-at-Arms, gayundin ang mga kawani ng Maintenance and General Services Bureau.

Samantala, papapasukin ang ilang opisyal, kawani, at mga senador sa December 29 para sa huling araw ng sesyon at sa ratipikasyon ng bicameral committee report ng 2026 national budget.

Facebook Comments