Mga empleyado ng Senado, may pasok na bukas

78

Balik na sa normal ang pasok ng mga empleyado ng Senado bukas matapos itong suspendehin simula kahapon hanggang ngayon matapos lumindol.

Ito ang inihyag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na syang officer in charge sa senado habang nasa labas ng bansa si senate President Tito Sotto III.


Ayon kay Recto, ligtas ang gusali ng senado kahit na nagkaroon ito ng ilang crack o mga bitak dahil sa pagyanig kahapon.

Sabi ni Recto, ito ay base sa natanggap nyang report kaugnay sa pag-inspeksyon sa gusali ng Senado na isinagawa ng mga tauhan ng Dept of Public Works and Highways.

Facebook Comments