Mga empleyado ni Senator Robinhood Padilla, handang sumailalim sa random drug test

Handa ang opisina ni Senator Robinhood Padilla na tumalima sa random drug testing sakaling ipatupad ito ng Senado.

Ayon kay Atty. Rudolf Philip Jurado, Chief of Staff ni Padilla, ang random drug test ay isang government policy na hindi pwedeng tanggihan maliban kung may maganda at valid na rason bakit hindi makakapagpatest.

Batid ni Jurado na walang makakatanggi kahit ang kanilang tanggapan o kahit ang iniimbestigahan na staff nila na si Nadia Montenegro kapag nagkaroon at napili sa random drug testing.

Hindi muna magbibigay ng pahayag si Padilla tungkol sa insidente maliban kung magsalita tungkol dito ang kanyang staff.

Samantala, pinag-leave of absence muna si Montenegro epektibo nitong August 13 hanggang sa matapos ang imbestigasyon ng Senado tungkol sa alegasyon na gumamit ito ng marijuana sa loob ng lady’s comfort room sa Senado.

Facebook Comments