Mga empleyado sa administrative section ng BOC, sinibak

Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng empleyado sa administrative section ng Bureau of Customs (BOC).

Sa kanyang talumpati sa Araw ng Pasasalamat para sa mga OFW kahapon, inamin niya ang pagsibak sa mga ito pero hindi rito kasama si Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero.

Ipinag-utos niya ang mga sinibak na tauhan na mag-report sa kanya sa Malacañan.


Ipaglilinis din ng Pangulo ang mga sinibak na BOC employees sa Pasig River, malapit sa Malacañan.

Facebook Comments