Mga empleyadong hindi pa nakatanggap ng 13th month pay, hinimok na maghain ng reklamo sa kanilang mga employer

Pinayuhan ni Senator Joel Villanueva ang mga empleyado na hindi pa nakakatanggap ng 13th month pay na maaari silang maghain ng reklamo laban sa kanilang mga employers.

Ayon kay Villanueva, kaisa sila sa Senado sa panawagan ni Labor Secretary Benny Laguesma na tiyaking natanggap na ang mga manggagawa ng kanilang 13th month pay.

Salig sa Presidential Decree No. 851, minamandato na isang legal obligation ang pagkakaloob ng mga employers ng nasabing benepisyo.


Hinikayat ni Villanueva ang mga empleyado at mga manggagawa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakatanggap ng kanilang 13th month pay na magsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) laban sa kanilang mga employers.

Batay sa Section 9 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas, ang 13th month pay ay ikinukunsiderang money claim at dapat na iproseso sa ilalim ng Labor Code at patakaran ng NLRC.

Facebook Comments