Mga empleyadong hindi sumailalim sa COVID-19 test, hindi papayagang pumasok sa San Juan City ayon kay Mayor Zamora

Pinaalalahanan ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang mga kumpanyang pinahihintulutang pumasok ang mga empleyado na hindi pa sumailalim ng pagsusuri sa COVID-19 ay may kaakibat na parusa na ipapataw ng San Juan City Government sa mga lumabag.

Ayon kay Mayor Zamora, nag-ikot umano siya sa iba’t ibang barangay sa lungsod ng San Juan at napansin ng alkalde na ang mga mamamayan ay talagang sumusunod sa Modified Enhanced Community Quarantine (ECQ) guidelines kaya nagpapasalamat siya sa bawat residente ng San Juan dahil sa pagiging disiplinado ng mga ito.

Paliwanag ng alkalde na 50% lamang ng mga empleyado ang papayagang pumasok sa trabaho at ‘yong mga manggagawang sumailalim sa testing ng COVID-19 ang papayagang pumasok.


Dagdag pa ni Zamora na kinakailangan talaga mag-sumite ang mga kumpanya ng ‘return to work’ plan sa Business and Licensing Office para unti-unti nang mabuksan ang kanilang mga negosyo basta’t sumunod lamang sila sa pamantayan na binibigay ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Giit pa ng alkalde na 36 lamang ang nag-positibo sa 2,000 nagpa-test ng COVID-19 o katumbas ng 1.7% na napakababa umano ito pero ayaw magpakakampante ng San Juan City Government kung saan papaigtingin pa rin nila ang pagmo-monitor sa Modified ECQ regulations dahil hindi pa rin talaga pwede lumabas ng bahay maliban na lamang kung meron silang quarantine pass o travel pass.

Facebook Comments