Mga empleyadong lumiban dahil sa Bayanihan, Bakunahan 4, hindi dapat markahang absent -DOLE

Hindi dapat markahang absent ang mga empleyado ng pribadong sektor na lumiban sa trabaho para magpabakuna kontra COVID-19 sa ilalim ng ikaapat na round ng “Bayanihan, Bakunahan” mula March 10 hanggang ngayong araw, March 12.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, ito ay nakasaad sa Labor Advisory No.5 series of 2022 kung saan inilatag ang guidelines para sa pagpapasweldo ng pribadong sektor sa mga araw na saklaw ng National COVID-19 Vaccination Days.

Kabilang dito ang mga empleyado na hindi nakapagpaturok ng 2nd dose o may missed dose, mga natitirang indibidwal sa ilalim ng A2 category, mga empleyado sa health at economic sector na hindi pa nagpapa-booster, at ang mga magulang na sasama sa kanilang mga anak na magpapabakuna.


Kaugnay nito ay hinihimok ng kalihim ang mga employers na payagan ang kanilang mga manggagawa na magpabakuna at samahan ang kanilang mga anak sa vaccination site nang hindi minamarkahang absent.B

Facebook Comments