Mga empleyadong magpapabakuna sa 2nd round ng National Vaccination, exempted muli sa trabaho

195

Exempted sa trabaho ang mga manggagawang lalahok sa 2nd round ng National Vaccination Days sa darating na December 15 hanggang 17.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, hindi dapat markahang absent ng mga employers ang mga tauhan nito na nangangailangan ng bakuna.

Maaari aniyang magprisinta na lamang ito ng pruweba na may iskedyul ang mga ito sa pagbabakuna.


Unang isinagawa ang Bayanihan, Bakunahan, nitong November 29 hanggang December 1 kung saan nasa 10.25 milyon ang nabakunahan.

Tiwala naman si Vaccine Czar Secretary Carlito Galver Jr., na maaabot ang target na 54 milyon o higit pang indibidwal bago matapos ang taong 2021.

Facebook Comments