Mga empleyadong may managerial post, hindi saklaw ng p100 wage hike

Nilinaw ni Senator Jinggoy Estrada na tanging mga empleyado lang na sumasahod ng minimum wage ang saklaw ng kanilang isinusulong na P100 wage hike.

 

Ayon kay Estrada, ang mga managerial posts ay hindi sakop ng dagdag na sahod.

 

Paliwanag ng senador, itinulak nila ang naturang panukala dahil nakukulangan sila sa ipinataw noong nakaraang taon na wage increase sa mga minimum wage earners sa Metro Manila na P40 lang na dagdag kada araw.


 

Sa kanyang pakiwari ay kailangan na kailangan talaga na taasan pa ang sahod ng mga sumuweldo ng minimum lalo na sa ilang probinsya na ang pinakamababang minimum wage ay umaabot lang ng P310 kada araw at hindi ito kakasya para sa isang pamilya na may tatlo o limang anak.

 

Sinabi pa ni Estrada na nakausap din niya ang ilang malalaking kumpanya at mga negosyante at hindi umano sila apektado kahit maisabatas ang panukala dahil nagpapasahod naman sila ng mas mataas pa sa minimum wage.

Facebook Comments