Mga employer na hindi susunod sa implementasyon ng dagdag na sahod, isinusulong na maharap sa mabigat na parusa

Ipahaharap sa mas mabigat na parusa ang mga employer na hindi tatalima sa itinakdang P50 na dagdag sa arawang sahod ng minimum wage workers sa Metro Manila.

Ang babalang mabigat na parusa ay nakapaloob sa panukalang inihain ni Senate President Pro-tempore Jinggoy Estrada na layong matiyak na makakakuha ng disenteng sahod ang mga manggagawa at tiyaking ipatutupad ng lahat ng mga employer ang dagdag na sahod.

Oras na maisabatas ang panukala, mahaharap sa P25,000 na multa at pagkakakulong ng isa hanggang dalawang taon ang maaaring kaharapin ng employer na hindi susunod sa dagdag na arawang minimum na sahod.

Iginiit ni Estrada na mahalagang magkaroon ng ngipin ang batas para matiyak na susundin ito ng lahat ng employers.

Sinabi ng mambabatas na sa kabila ng umiiral na wage orders, marami pa ring mga hindi sumusunod sa itinatakdang sahod lalo na sa mga manggagawang nasa informal sector at sa mga contractual.

Facebook Comments