Dagupan City – Binigyan ng hanggang September 1, 2019 ang nasa 4,600 na mga delinquent employers dahil sa hindi pagbabayad ng monthly contribution ng kanilang mga empleyado. Sa datos kasi ng SSS Dagupan nasa 16.6 milyong piso ang kailangan pang kolektahing halaga ng kontribusyon sa mga nasabing delinquent employers sa buong lungsod.
Ayon naman kay SSS Acting Branch Head Jocelyn Lim on-going ang kanilang condonation program kung saan wala umanong penalty na ipapataw sa mga employers na tatalima sa alituntinin ng ahensya pagdating sa pagbabayad ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado. Dagdag pa ni Lim maaaring bayaran ito ng installment basis sa loob ng walong buwan na mayroon 6% per annum upang hindi mahirapan ang mga nasabing employer.
Samantala naka kolekta naman ang ahensya ng nasa 3.8 milyong piso mula sa 416 na nag-comply sa condonation program at inaasahan pa na ito’y tataas bago sumapit ang deadline na kanilang itinakda sa mga delinquent employers. Ang mga hindi makaka-comply ay maaaring mag-multa ng P5,000 hanggang P20,000 at pagkakakulang ng hindi bababa sa anim na taon.