Mga employers na hindi nagre-remit ng SSS contribution ng mga empleyado, pinahahabol ng isang kongresista

Pinatutugis ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) Partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza sa Social Security System (SSS) ang mga employers na hindi nagre-remit ng kontribusyon ng kanilang mga empleyado.

Iginiit ng kongresista na iprayoridad muna ng Social Security Commission (SSC) ang pangongolekta ng unpaid premiums na hindi naibibigay ng mga employers bago magsagawa ng dagdag na kontribusyon ngayong 2021.

Malinaw aniya sa Commission on Audit (COA) report na mayroong uncollected premiums ang hindi pa nakokolekta ng SSS.


Sa 43 million na employed sa bansa, 37.7 million dito ay mga myembro ng SSS.

Ngunit sa bilang na ito, 17. 63 million lamang na mga SSS members ang nagbayad sa kanilang kontribusyon.

Kinukwestyon ni Mendoza ang SSS dahil bakit magtataas ng premium rates gayong hindi naman maresolba ng ahensya ang problema nito sa koleksyon sa kontribusyon.

Facebook Comments