Nagbabala si Senate President pro-tempore Jinggoy Estrada sa mga employers na hindi pa rin nagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado na posible silang maharap sa asunto.
Giit ni Estrada, hindi lamang legal na obligasyon kundi maituturing na moral duty ng mga employers ang magbayad sa takdang oras ng 13th month pay sa mga manggagawa.
Bilang moral obligation, nararapat lamang aniya na kilalanin ang pagsusumikap at dedikasyon ng mga empleyado sa kanilang trabaho.
Sa ilalim ng batas, kahapon ang dapat na deadline para sa pagkakaloob ng 13th month pay sa mga empleyado.
Ang hindi pagtalima sa itinatakda ng Presidential Decree No. 851 ay maaaring maharap sa administrative penalties o criminal charges.
Facebook Comments