Magdadagdag ng mga lagusan ang pamunuan ng Manila South Cemetery upang mabawasan ang mahabang pila dahil sa dagsa ng mga pasahero ngayong darating na Undas 2024.
Ayon kay Henry Dy, director ng Manila South Cemetery, bubuksan nila ang dalawang entrance na gagamitan ng hagdan.
Partikular ito sa bahagi ng Kalayaan Avenue at Metropolitan Avenue.
Pagtitiyak naman ni Dy, maghihigpit pa rin sila sa pag-check ng mga gamit ng mga papasok sa sementeryo.
Ang mga tauhan ng Makati Police ang magbabantay sa labas ng Manila South Cemetery habang mga tauhan ng Manila Police District sa loob.
Magkakaroon din ng hiwalay na daanan sa main gate ng sementeryo para sa mga walang bitbit na gamit.
Samantala, simula bukas, October 30 ay wala nang papayagan na vendor sa loob ng sementeryo.