Mga ‘epal’ na pulitiko, bawal sa community pantries – Año

Pagbabawalan ang mga pulitiko at mga organizers na maglagay ng pangalan, logo o anumang signages sa community pantries.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, hindi pwedeng bahiran ng mga pulitiko ang inisyatibo ng mga taong nagsasagawa ng community pantry.

Inilatag din ng kalihim ang mga patakaran sa mga pantries:


  1. Ang mga local government units ay hindi pwedeng mag-require ng permits dahil dagdag pasanin lamang ito sa mga organizers
  2. Mayroon dapat maayos koordinasyon ang mga organizer sa mga LGUs
  3. Bawal sa community pantries ang alak at sigarilyo
  4. Ipapasara ang community pantry kapag may nilabag na health protocols
  5. Walang sisingilin na anumang fee mula sa pantry organizers

Sinabi naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga community pantries ay dapat magsimula sa barangay-level, at nasusunod ang physical distancing.

Bukod dito, binanatan din ng Pangulo ang mga ignorante sa health protocols na hindi niya pinangalanan.

Facebook Comments