Mga ‘epalitiko’, hindi dapat iboto – Comelec

Manila, Philippines – Nanawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na huwag iboto ang mga politikong ‘epal’ o masyadong ‘mapapel’.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – maraming botante ang nasusuya sa mga ganitong ginagawa ng mga pulitiko at marami rin ang itinuturing itong unfair practice.

Ikinalulungkot din ni Jimenez ang pananamantala ng halos lahat ng mga kandidato lalo na sa mga tumatakbo sa national position sa pangangampanya o premature campaigning.


Aminado rin si Jimenez na wala silang magagawa para pigilan ang mga kandidato na maagang mangampanya.

Nilinaw naman ng poll body na ang kandidatong naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ay hindi pa maituturing na official candidate hanggang wala pa ang campaign period.

Ang campaign period para sa mga kumakandidato sa pambansang position ay mula February 12, 2019 hanggang May 11, 2019 habang sa lokal na posisyon ay mula March 29, 2019 hanggang May 11, 2019.

Facebook Comments