Naranasan ang ilang epekto ng Bagyong Egay sa ilang bahagi sa lungsod ng Dagupan tulad ng mga pagbagsak ngilang puno, paglipad ng ilang bubong at ang mas malalim na pagbaha.
Bagamat ganito ay nananatiling nakaantabay ang rescue team ng lungsod na binubuo ng City Disaster Risk Reduction Management Council at iba pang mga katuwang na ahensya.
May mga nangyaring paglipad ngisa bubong ng gusali na nakatayo sa Arellano St., ilang mga puno rin ang natumba dahil sa taglay ng bagyong malakas na hangin, nakitaan din umano ng ilang poste ang bumagsak at ang nangyari sa Magsaysay Fish Market kung saan nasira ang ilan sa mga malalaking paying gamit gamit ng mga fish vendors,maging ang kanilang gamit na mga batha’t banyera ay hinangin din.
Sa mga residente sa island barangays, nahirapan umano ang mga ito dahil sa hampas ng alon at bugso ng hangin at sa ganitong panahon nga ay hirap talaga ang pagtawid ng mga ito sa kalusugan lalo na kung ang sinasakyang Bangka ay maliit lamang at kung ang nagsisilbing pansanggang tolda ay hindi kalakihan para matakpan ang mga ito sa pag-ulan.
Nakaranas din ang ilan ng unscheduled power interruption sa ilang barangay, maging ang pansamantalang pagkawala ng suplay ng tubig.
Alinsunod dito, inaantabayanan naman ng mga katuwang na ahensya at nagsagawa ng clearing operation ng mga natumba at nakakalat lalo na sa mga barangay roads.
Pinayuhan din ang mga Dagupeñong apektado ng pagbaha na kung kinakailangan ay magtungo na sa mga nakahandang evacuation centers ng lungsod.
Muli ring ipinaalala ang mga emergency hotline numbers para sa mga nangangailangan ng emergency response dulot pa rin ng bagyong Egay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments