Mga eskandalo ng korapsyon sa gobyerno gaya ng pork barrel scam, hindi na mauulit ayon kay Lacson

Tiniyak ni Presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson na hindi na mauulit ang malalaking eskandalo ng korapsyon sa gobyerno tulad ng kinasangkutan ng negosyanteng si Janet Lim-Napoles na tinagurian “pork barrel queen”.

Ayon kay Lacson, hindi niya papayagang magamit muli ang Non-Government Organization (NGO) para makapagnakaw mula sa pondo ng pamahalaan alinsunod sa itinakda ng mga kasalukuyang batas.

Sa halip, ipinakilala ni Lacson ang panukala niyang paid internship program na kasama sa kaniyang mga plataporma para sa mga mahihirap na kabataang nais maipagpatuloy ang kanilang edukasyon habang sumusuporta sa kanilang mga pamilya.


Aniya, sa ganitong paraan ay matutulungan din ang mga kabataan na naghahanda para sa kanilang mga napiling propesyon na magkaroon ng sapat na karanasan at mapahusay ang kanilang mga kakayahan sa iba’t-ibang larangan sa pribado man o pampublikong sektor.

Pinayuhan din ni Lacson ang youth leaders na maaari silang makipag-ugnayan sa malalaking pribadong korporasyon na mayroong mga ipinatutupad na corporate social responsibility projects upang makakalap ng pinansyal na suporta.

Dagdag pa ni Lacson, ang mga ganitong kasunduan aniya ay pinahihintulutan ng mga umiiral na batas at kasalukuyan nang ginagawa ng mga organisasyon.

Facebook Comments