Mga eskwelahan sa Parañaque City, inihahanda na sakaling payagan na ang pagbabakuna sa mga batang edad 12 hanggang 17

Plano ng Parañaque Local Government Unit (LGU) na ihiwalay ang mga batang babakunahan ng COVID vaccine sa sandaling payagan na ang batang nasa na edad 12 hanggang 17.

Ayon kay Mario Jimenez, information officer ng Parañaque LGU, inihahanda na nila ang mga eskwelahan para sa vaccination rollout.

Sa katunayan, sinimulan na ng LGU ang paghahanda sa data base ng nabanggit na age group.


Katuwang ng LGU sa registration ang mga eskwelahan sa lungsod habang ipinauubaya naman sa barangay ang pagpapatala para sa mga out of school youth.

Maari ring irehistro ang mga edad 12 hanggang 17 sa pamamagitan ng website na paranaquecity.ph/paranaquenyo.

Facebook Comments