MGA ESKWELAHAN SA REGION 1, SUMASAILALIM NA SA SCHOOL SAFETY ASSESSMENT BILANG PAGHAHANDA SA PAGBUBUKAS NG KLASE SA SUSUNOD NA TAON

Sumasailalim na sa school safety assessment ang mga paaralan sa Ilocos Region bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa susunod na taon.

Ayon kay DepEd Regional Director Tolentino Aquino, sa susunod na taon inaasahang magbubukas ang mga klase dito.

Dumadaan umano sa masusing monitoring ang bawat eskwelahan upang matiyak na ito ay makapasa sa panuntunan ng Department of Health at DepEd dahil pa rin sa COVID-19.


Paglilinaw nito na ang mga kasalukuyang panuntunan gaya ng limitadong oras ng mga klase at mababang bilang pa rin ng mga estudyante ang makakalahok dito bilang proteksyon sa COVID-19.

Labing siyam na paaralan sa Ilocos Region ang kasalukuyang nagsasagawa ng limited face-to-face classes. | ifmnews

Facebook Comments