Mga eskwelahang papayagang magsagawa ng limited face-to-face classes, maaaring isyuhan ng safety seal 

Pinag-aaralan ng Commission on Higher Education (CHED) ang posibilidad na pag-iisyu ng safety seal sa mga eskwelahang pinayagang magsagawa ng limited face-to-face classes.

Ayon kay CHED Chairperson Prospero De Vera III, ang safety seal ay magiging indikasyon na ang High Education Institutions (HEIs) ay sumusunod sa health protocols na itinakda ng pamahalaan.

Ang Safety Seal Certifications ay ipagkakaloob sa mga kolehiyo at unibersidad para sa kaligtasan ng faculty members at mga estudyante.


Dagdag pa ni De Vera, kailangan din ng mas detalyadong guidelines para dito.

Sa ngayon, aabot sa 73 HEIs na nag-aalok ng medicine at health allied sciences ang pinayagang magsagawa ng limited face-to-face classes.

Facebook Comments