Mga essentials ngayong COVID-19 pandemic, alok ng Birosel Variety Trading

20

Ipinakita ng COVID-19 pandemic kung ano talaga ang mga mahahalaga sa buhay lalo na sa ating kalusugan.

Kaya naman tampok ngayon sa Business as Usual ang Birosel Variety Trading na nagbebenta ng kanilang ginawang sabon, disinfectants, face masks at Personal Protective Equipments (PPES).


Sa interview ng Business as Usual, ikinwento ng owner nito na si Abegail Birosel na ito na rin ang kanilang paraan para makatulong sa kapwa lalo na’t marami ang nabibigyan ng trabaho sa pamamagitan ng Birosel Variety Trading.

Sa ngayon, nakaabot na sa iba’t ibang panig ng bansa ang kanilang mga ibinebentang produkto.

Facebook Comments