Hinikayat ng Mandaluyong City Government ang mga business establishment sa lungsod na isasailalim sa Coronavirus disease 2019 o COVID-19 test ang kanilang mga manggagawa bago bumalik sa kani-kanilang trabaho.
Ayon kay Mandaluyong City Mayor Carmelita “Menchie” Abalos, nakipag-usap na siya sa mga may-ari ng mga business establishment hinggil sa naturang proposal upang matiyak ang kaligtasan ng bawat empleyado.
Paliwanag ng Alkalde mas mainam umano kung ire-require ng mga business establishment na mayroong certificate ng COVID-19 test na nagpapatunay na sumailalim nga sa pagsusuri ang mga empleyado bago pumasok sa trabaho.
Dagdag pa ni Abalos sa ngayon ay wala pang kumpanya na binabalewala ang kanyang proposal at inaantay pa ang panuntunan para sa mga restaurants mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Matatandaan na nagpalabas ng guidelines ang gobyerno para sa mga Malls na pinagbabawalan ang publiko na pagala-gala kahit matatapos na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) kabilang ang pag-regulate ng paggamit ng airconditioning, pagpapatupad ng physical distancing, pagtanggal ng libreng internet connection, at iba pa.