Inoobliga na ng Inter-Agency TASK Force (IATF) ang lahat ng establisimyento na gamitin ang Stay Safe application at QR code nito para maisaayos ang datos.
Naunang sinabi ni COVID-19 testing Czar Vince Dizon na ang Stay Safe app ay libre at hindi kinakailangan ng mobile prepaid load para magamit.
Sa tulong ng app, kukuhanan lamang ng larawan ang QR codes sa malls, banks, restaurants, trains at buses kaysa sa mano-manong pagsusulat sa contact-tracing sheets.
Kasabay nito, nagbabala si Joint Task Fotce COVID Shield Commander Police Lt. Gen. Cesar Hawthorne Binag na gagamit na ng yantok o isang patpat na yari sa matigas na kahoy ang mga social distancing patrol para sa mga hindi susunod sa health protocols sa mga pampublikong lugar.
Aniya, pagtutuunan nila ngayon ng pansin ang mga “areas of convergence” na siyang may risk sa hawaan ng COVID-19, gaya na ng palengke, mall, simbahan, pantalan at mga sasakyan.