Mga establisyemento, hindi malulugi sa dagdag na diskwento para sa senior citizens at PWDs

Pinawi ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo ang pangambang pagkalugi ng mga negosyo sa oras na tuluyan ng maisabatas ang House Bill 10312 na magbibigay ng karagdagang diskwento sa mga senior citizen at persons with disabilities (PWDs).

Sa ilalim ng naturang panukala na nakapasa na sa ikalawang pagbasa ng House of Representatives ang dagdag na diskwento ay bukod sa 20% at VAT exemption na natatanggap na ngayon ng mga nakatatanda at PWDs.

Ayon kay Tulfo, bukod pa rin sa nabanggit na mga diskwento ang anumang discount o promotional offer ng establisimyento.


Binigyang-diin ni Tulfo na hindi naman malulugi ang mga establisimyento o negosyo dito dahil maaari nilang gamitin ang mga discount na ito bilang deductible sa buwis na babayaran nila.

Binanggit ni Tulfo na pinamamadali na ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pagpasa sa naturang panukala upang mapakinabangan na ng ating mga lolo at lola at may mga kapansanan.

Facebook Comments