
Boracay, Philippines – Ipinasara ang mga establisyemento na naglabag sa business ordinance ng LGU-Malay sa isla Boracay matapos na madiskubre na hindi ito nag-comply ng mga requirements sa kanilang negosyo.
Sinimulan nila ang pag-ikot noong nakaraang Linggo at susundan pa sa mga susunod na araw para maubos ang mga violators.
Katuwang ng LGU-Malay sa kanilang implementasyon ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), at Malay Auxilliary Police para magbigay ng siguridad.
Nagpaalala naman ang LGU-Malay na habang may panahon pa ay lakarin na ang kanilang mga requirements at sa mga bago ay kumuha na agad para hindi na magkaproblema.
DZXL558
Facebook Comments









