Pinapaalalahanan ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong ang lahat na mga residente at business establishments nito na gumamit na ng MandaTrack bilang bahagi ng contact tracing ng lungsod.
Batay sa kanilang abiso, pagmumultahin ang mga establisyimento at indibiduwal na walang MandaTrack batay sa ordinansa na ipinatupad nitong nakaraang araw kaugnay dito.
Batay sa ordinansa, magmumulta ng P3,000 hanggang P5,000 at sususpindehin ang business permit at franchise ng isang establisyimento na mahuhuling lalabag.
Habang, P1,000 hanggang 5,000 ang multa at maaaring makulong ng 30 araw sa mga indibidwal na lalabag sa nasabing ordinansa.
Kaya naman hinimok ng pamahalang lungsod ang publiko na mag-register sa MandaTrack (https://mandatrack.appcase.net) para sa kanila QR code at maaari din magpa-assist sa pagkuha ng QR code sa City Information and Communications Technology (office hours), 3rd Floor, Executive Building, ng Mandaluyong City Hall.