Striktong ipatutupad ng Bacnotan Business Permit and Licensing Office (BPLO) ang pagpapataw ng penalty sa mga establisyimento at driver na hindi makakapag-renew ng kanilang business, working, at tricycle permits sa itinakdang deadline.
Simula noong Enero 2, binuksan na ang Business One-Stop Shop (BOSS) para sa mga magrerenew ng kanilang permits. Ang mga residente ay maaaring magtungo sa BOSS ayon sa iskedyul na itinakda para sa bawat barangay.
Upang mapabilis ang proseso, hinihikayat din ng tanggapan ang paggamit ng online renewal system na matatagpuan sa business portal ng bacnotan.gov.ph.
Ang renewal ng mga permits ay magtatagal hanggang Pebrero 3, at ang mga hindi makakasunod sa deadline ay papatawan ng karampatang multa.
Nanawagan ang BPLO sa publiko na samantalahin ang maagang pagproseso ng kanilang permit upang maiwasan ang abala at karagdagang gastusin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments