Manila, Philippines – Nagpalabas ng cease and desist orders ang Laguna Lake Development Authority na nagpapahinto sa operasyon ng iba pang establisyimento na nagdudulot ng polusyon sa paligid ng Manila Bay.
Ito ay matapos madiskubre ng LLDA ang na ang mga waste water ng mga naturang establisyimento ay nagdudulot ng polusyon sa Manila Bay na sumasailalim sa rehabilitasyon.
Kabilang sa pinatitigil ang operasyon ay ang branch ng fastfood giant na Jollibee sa Macapagal Blvd.
Pero ayon sa LLDA, nagpaabot na ng impormasyon ang pamunuan ng nasabing branch ng Jollibee na ititigil na nito ang operasyon at isasailaim nila sa repair ang nasira nilang sewage treatment plant.
Pinuntahan din ng LLDA ang HengFeng Kitchenette sa kahabaan ng Harrison St. para isilbi ang cease and desist order.