Dumarami ang bilang ng mga establisyimento sa Ilocos Region ang nabibigyan ng safety seal sa kagustuhang maging compliant o sumusunod sa mga minimum public health standards.
Sa tala ng Department of Trade and Industry (DTI) Region 1, nasa 68 establisyimento na ang nabigyan ng safety seal.
39 dito ang mula sa lalawigan ng Pangasinan, tig sampu sa Ilocos Norte at Ilocos sur at siyam sa La Union.
Hinihikayat pa rin ang ilang establisyimento gaya na lamang ng supermarkets, groceries, convenience stores, membership shopping clubs, construction supply, hardware stores, barbershops, salons, service and repair shops at logistics service providers.
Matatandaan na una ng hinimok ng Department of Labor and Employment ang mga negosyante na mag-apply ng safety seal certificate sa kanilang establishment upang tumaas ang kumpiyansa ng publiko sa mga business establishments.