MGA ESTABLISYIMENTO SA ALAMINOS CITY, ININSPEKSYON

Sumailalim sa monitoring at inspection ang mga accommodation establishments sa lungsod ng Alaminos.

Tatlong araw na isinagawa ang naturang inspeksyon upang tiyakin na ang lahat ng mga ito ay tumalima sa mga nakaimplimentang pamantayan bilang paghahanda na rin sa dagsa ng tao ngayong bakasyon.

Pagtitiyak rin ito kung nasusunod ang mga health and safety protocols para sa mga turistang bibisita at naserbisyohan sila ng maayos at ligtas na lugar o pansamantalang tutuluyan.

Kasama sa naturang monitoring at inpection ang mga kawani ng lokal na pamahalaan at hanay ng kapulisan. Kamakailan, pinasinayaan ang Our Lady of Assumption Shrine na Isang pilgrimage site sa Hundred Islands na siyang inaasahang dadayuhin ngayong Semana Santa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments