Binigyan ng hanggang sa katapusan ng Mayo ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga establisimyento sa El Nido, Palawan para makasunod sa mga regulasyon.
Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, binigyan na ng gobyerno ang mga establisimyento sa El Nido ng sapat na panahon para makumpleto ang mga itinakdang requirement noong mga nakalipas na buwan.
Naipaliwanag na rin aniya kung bakit at paano makakasunod sa regulasyon.
Babala ni Año, ipapasara nila ang mga establisimyento na mabibigong sumunod sa mga itinakdang requirement.
Dagdag pa ng kalihim, dapat maging mahigpit ang Local Government Unit (LGU) sa pagpapatupad ng regulasyon at paglalabas ng permit.
Matatandaang sinimulan ang anim na buwang rehabilitasyon sa El Nido noong nakaraang taon.