MGA ESTABLISYIMENTO SA MANAOAG DUMAAN SA INSPEKSYON NG SANITARY OFFICE

Nagsasagawa ng inspeksyon ang Manaoag Sanitary Office upang masiguro ang mataas na pamantayan ng kalinisan sa mga establisyemento sa bayan.

Bahagi ng kanilang adbokasiya para sa kalusugan ng publiko, muling pinaaalalahanan ang lahat ng mga negosyonte na agad i-renew ang kanilang sanitary permits para sa taong 2025.

Ang regular na inspeksyon ay layong matiyak na sumusunod ang bawat establisyimento sa mga itinakdang regulasyon ng kalinisan, na mahalaga para sa kaligtasan at kapakanan publiko.

Pinapaalalahanan din ang mga negosyante na makipagtulungan sa mga awtoridad upang patuloy na maisulong ang kaayusan at kalinisan sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments