Inihayag ng Department of Labor and Employment Region 1 na nasa 94% ng mga establisyimento dito ang sumusunod sa labor code maging sa implementasyon ng bagong minimum wage rates sa rehiyon.
Sinabi ni Jeff Rey Pitpit, ang Planning Officer ng DOLE Region 1, nasa 2, 586 na establisyimento na naimpeksyon ang sinigurong sumusunod sa labor laws.
Sa Central Pangasinan nasa 94% ng establisyimento ang sumusunod at 97 sa Eastern Pangasinan. Sa Western Pangasinan nasa 89% ng mga establisyimento ang sumusunod, 94% sa Ilocos Sur, at 95% sa La Union at Ilocos Norte.
Ayon sa kagawaran, patuloy ang pagsasagawa ng inspeksyon upang masiguro na naipapatupad ang bagong minimum wage rate sa region 1. Noong December 1, ipinatupad na ang bagong minimum wage kung saan ang mga manggagawa na nagtatrabaho sa non-agriculture na mayroong isa hanggang walong empleyado ay tatanggap ng PHP342; PHP370 para sa mga manggagawang may sampu hanggang 25 empleyado; 400 sa mga may manggagawa may 20 o higit pa.
Sa agriculture non-plantation naman ay nasa PHP342, at PHP372 para sa Plantation. |ifmnews
Facebook Comments