Mga establisyimentong nakapaligid sa Manila Bay, inatasan na ayusin ang sewer lines nito

Inatasan na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng establisyimento sa paligid ng Manila Bay na i-konekta ang mga sewer lines nito  o magkaroon ng Sewerage Treatment Plants (STPS).

Ayon kay DENR Secretary Roy Cimatu – layunin nito na matiyak na nakokolekta at masailalim sa treatment ang wastewater.

Aniya nag memorandum circular ay sakop ang lahat ng government facilities, subdivisions, condominiums, commercial centers, hotels, sports and recreational facilities, hospitals, marketplaces, public buildings, industrial complex at iba pang kaparehas na establisyimento.


Sa ngayon, nasa 15% ng mga consumers ang konektado sa sewer lines kung saan target ang full sewer at sanitation coverage na 100% sa taong 2037.

Facebook Comments