Manila, Philippines – Pormal nang nagsimulang magtrabaho ang mga estero warriors na
itinalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Mismong si Environment Secretary Roy Cimatu ang nanguna sa isinagawang mass oath-taking ng mahigit isanlibong mga estero warriors na magbabantay sa lahat ng creek at daluyan ng tubig sa Metro Manila at karatig-lalawigan.
Ayon kay Secretary Cimatu, mahalaga ang magiging papel ng mga estero rangers para sa implementasyon ng Ecological Solid Waste Management Act.
Kabilang sa magiging papel ng estero warrior ang pagtiyak na malinis sa anumang basura ang mga waterways na kukulektahin sa itinatalagang pick-up points.
Una nang inaprubahan ni Secretary Cimatu ang pag-hire ng 2000 estero rangers na susuwelduhan ng 8,500 pesos monthly bilang bahagi ng nagpapatuloy na rehabilitasyon para ibalik ang dating ganda ng Manila Bay.