Sinimulan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagbibigay ng exemption sa mga estudyante sa pagbabayad ng passenger service charge sa lahat ng paliparan na ino-operate ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
Inatasan na ng CAAP ang 42 participating airports nito na mag-talaga ng tauhan na tututok sa pagpoproseso ng application at disbursement ng payment for refund.
Ang Malakasit help desks ay matatagpuan sa CAAP-operated airports na magsisilbing certification at refund counters para sa pagpo-proseso ng exemption.
Ang mga paliparan na hindi sakop ng CAAP tulad ng NAIA, Mactan-Cebu International Airport, Clark International Airport at Caticlan Airport ay hindi kasama sa implementation.
Ayon kay CAAP Director General Jim Sydiongco, ang mga kwalipikadong student passenger ay maaaring magpa-refund ng terminal fee na kasama sa kanilang biniling airline ticket.
Umaasa ang CAAP na magiging matagumpay ang pagpapatupad nito.