Muling magbabalik-klase ang mga estudyante sa Elementarya at High School sa buong bansa sa Lunes, January 6 matapos ang tatlong linggong christmas break.
Base sa School Calendar para sa 2019-2020 ng Dept. of Education (DepEd), ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan ay muling magpapatuloy sa unang Lunes ng taon.
Ipinaubaya naman ng DepEd sa mga pamunuan ng pribadong eskwelahan ang schedule ng pagbabalik ng kanilang klase.
Inaasahan din ng DepEd na ang lahat ng eskwelahan ay oobserbahan ang National at Local Celebrations.
Ang School Year 2019-2020 ay binubuo ng 203 School Years na pormal na nagbukas nitong June 3, 2019 at magtatapos sa April 3, 2020.
Samantala, inaanunsyo naman ng ahensya ang status o kung kailan magbabalik klase sa mga lugar na tinamaan ng Lindol sa Mindanao.