Simula July 1, libre na ang pamasahe ng mga estudyante sa ilang transportasyon sa bansa mula Lunes hanggang Biyernes maliban kung holiday.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, layon nito na mahikayat ang mga estudyante na pumasok at umuwi ng maaga sa paaralan.
Ang free ride ay ma-avail ng mga estudyante sa:
- MRT Line 3 – mula alas 5:00 hanggang alas 6:30 ng umaga at alas 3:00 hanggang alas 4:30 ng hapon
- PNR – mula alas 5:00 hanggang alas 6:00 ng umaga at alas 3:00 hanggang alas 4:00 ng hapon
- LRT Line 2 – mula alas 4:30 hanggang alas 6:00 ng umaga at alas 3:00 hanggang alas 4:40 ng hapon
Bukod dito, libre na rin ang terminal fee ng mga estudyante sa mga paliparan na sakop ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at mga pantalan na pinangangasiwaan ng Philippine Ports Authority (PPA).
Kinakailangan lang magparehistro ang mga mag-aaral para sa isang special ID para mapakinabangan ang mga libreng sakay.
Facebook Comments