Mga estudyante may natututunan kahit nasa evacuation center, DepEd

Siniguro ng Department of Education (DepEd) na may natututunan parin ang mga estudyante sa kabila nang kawalan ng klase dahil sa ginagamit pa ang ilang paaralan bilang evacuation center.

Sa laging handa press briefing sa Malakanyang sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nagpadala sila ng alternative delivery mode materials sa mga evacuation centers para patuloy parin ang pag aaral ng mga estudyante.

Maliban dito mayroon ding psychological first aid at psychosocial support na ibinibigay sa mga bakwit na estudyante.


Kasunod nito pinatitiyak din ni Secretary Briones sa mga pampublikong paaralan na tanggapin ang emergency transferees kahit na sila ay walang maibigay na credentials.

Facebook Comments