
Pinuri ang mga estudyante ng Alaminos City sa kanilang natatanging pagtatanghal sa iba’t ibang mathematics competitions sa pambansa, rehiyonal, at internasyonal na antas.
Kabilang sa kanilang nakamit ang Numerical Ability National Competition (Levels 3 at 4) noong Agosto 31, Analytical Ability National Competition (Level 3) noong Oktubre 4, at International Speed Math Challenge (Level 3) noong Oktubre 30, 2025.
Sa rehiyonal na antas, nagtagumpay rin ang mga kalahok sa ERO-Math Contest sa Manaoag National High School noong Setyembre 30, 2025.
Ayon sa ulat, karamihan sa mga paligsahan ay isinagawa online sa pamamagitan ng Zoom at Google Forms, maliban sa ERO-Math Contest na onsite.
Pinapakita ng tagumpay ng mga Alaminians ang kanilang husay sa matematika at ang kakayahang makipagsabayan sa lokal at pandaigdigang kompetisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







